it was indeed an unexpected result.
yung tipong wala sa hinagap mo na mangyayari ang lahat kasi okay eh, yung hope ko eh napakataas kasi nakikita ko ang effort na ibinigay ay sobra.
nagtatanong ka siguro kung ano ang nangyari.
hindi naman ako madamot kaya ikukwento ko.
kahapon ang last day ng aming summer classes. sshh. wag kang maingay ha. sikreto na nagsusummer ako. ayoko munang ipaalam kasi gust ko surprise! :D
kahapon din ang final exam. kahapon ang final judgement at kahapon ang final result.
makulimlim nung umalis ako nga bahay. ang daming pusang patay sa daan. ang tahimik ng paligid. parang may nagbabadyang masama. gloomy din ang pakiramdam ko. feeling ko nga ginagaya ng panahon ang nararamdaman ko.
kinakabahan ako syempre. hindi mo maalis iyon dahil sa araw na ito ko malalaman ang magiging kapalaran ko sa susunod na school year.
ng makarating ako sa school nakita ko na rin ang mga kapwa ko "retakers" na halatang kabado. merong naghahanap ng calculator, nagbabasa ng libro at yung iba naman eh nakatayo lang sa gilid at mababakas na hindi rin mapakali. iisa ang wish namin. ang hindi na matuloy ang exam at kung matuloy man sana makapasa ang lahat. walang iwanan!
pero, yun lang, dumating si prof. pagkabukas na pagkabukas ng pinto inabot nya na ang exam at nagsimula kaming magsagot.
tahimik, halos walang gumagalaw. ako nga lang yata ang kilos na kilos habang nagsasagot ng test paper- iinom ng tubig, magpupunas ng nagtataeng bolpen at hanap ng hanap ng scratch.
madali lang naman ang exam KUNG NAG-ARAL KA!
pressured kaming lahat kahapon. may ibinigay na rin kasing limit kung ilan lang ang dapat na maging mali namin para makapasa at makapagpatuloy sa course na Accountancy. kaya bawat sulat bawat sagot maingat.
mahirap na, kaya kailangang manigurado.
nagpalipas kami ng summer sa school kahit na dapat ay nasa mga bahay namin kami kasama ang pamilya at ineenjoy ang bakasyon.
nagbayad sa school, pamasahe araw-araw, pagkain.
nag-effort kami, gumastos. kahit na down na down kami dahil sa unang kabiguan, nagpursige kami para ipagpatuloy ang lahat dahil umaasa kaming mapagbibigyan sa pangalawang pagkakataon.
binalewala ang tahimik na panghuhusga ng mga tao dahil alam namin na mapapatunayan naming mali sila, na babangon kami at ipapakita namin na kaya namin.
ito ang mga pinanghahawakan ko kaya malaki ang pagtitiwala ko na magkakasama-sama kaming mga "retakers" hanggang sa punto ng graduation.
natapos ang first part ng exam at nakuha din naman namin kaagad ang resulta. karamihan sa amin masaya dahil panigurado na ang pagpasa at ang ilan naman ay nag-aalala na sa posibleng mangyari. tulala ako ng mga panahong naguusap sila tungkol sa kanya-kanyang pag-aalangan. bakit? dahil kahit na gustong gusto kong pagaanin ang kanilang mga loob, wala akong masabi, hindi ko alam kung anong pwedeng kong sabihin na pwede nilang kapitan para hindi mawala ang kanilang pag-asa. wala akong magawa para sa kanila.
noong nagsimula ang summer class, nagsimula din naming mas lalo pang makilala ang isa't isa. karamihan kasi sa mga naging classmate ko doon ay hindi ko naman madalas nakakausap noong magkaklase pa kami sa regular classes. nadiscover ko yung ibang side ng karamihan sa kanila. gaya ni diane na super kwela pala, naalala ko pa nga sa kanya yung bestfriend ko. si reena na akala ko noon eh napakaseryoso maloko din pala, si shiela na hindi naman madalas nagsasalita madaldal pala xD, si clint ngayon ko lang sya nakitang nag-aral ng sobra na kahit lunch break na eh nagbabasa pa rin.
nangako pa nga kami noon na kapag natapos ang summer at pumasok na ulit kami as regular students, kami-kami lang ang maguusap at hindi namin papansinin yung iba. kami-kami lang din daw ang magkakatabi sa upuan at ang mas nakakaloka, kami-kami lang din daw ang dapat pumasa para maexperience naman nung iba na magsummer. naiimagine ko na nga eh. xD ang saya sana kung magagawa nga namin ang lahat ng napag-usapan. naging close na rin kasi kami kahit papaano.
mga bandang hapon ng magsimula ang second part. ang tagal nga ni prof eh. nakatulog na ako at lahat hindi pa rin sya dumadating. lalo tuloy kinabahan ang lahat. pinatagal pa kasi ang pressure.
nang dumating si prof nagsimula na rin kami agad. sa second part medyo mahirap kasi problems na ang sinasagutan namin pero nakaraos naman.
pinaghintay kami ng hanggang 4pm para sa result. isa't kalahating oras pa para magdasal.
pinalipas namin ang mga minuto sa pagkukwentuhan. si ate angela ang story teller dahil love story nya ang inungkat namin. ang saya talaga ng mga sandaling iyon. as in parang nasa outing kami at nagsasaya. para ngang nawala ang kaba.
umuulan sa labas, kumukulog, kumikidlat. ang sama ng panahon pero sa loob ng classroom parang summer dahil ang warm ng feeling. alam kong exaggerated pero iyon talaga mismo ang naramdaman ko. lahat kasi nagtatawan, nagsheshare ng mga experiences, cool lang.
nasabi ko tuloy sa sarili ko na gusto ko pa silang makasama, makabonding at makilala dahil bitin yung time nung summer eh. sa tingin ko kasi mas marami pa akong madidiscover kung mabibigyan pa kami ng chance na maging magkakaklase.
pero galit talaga sa akin ang tadhana at hindi nya ako pinagbigyan...
ng makuha namin ang result tatlo sa amin ang hindi nakaabot sa retention grade...
nagflashback lahat ng nangyari noong mga nakaraang araw. ang lahat ng effort ang lahat ng pagpupursige na nasayang. nanghihinayang ako. hindi ba pwedeng sama-sama kaming babalik sa klase bilang regular students? hindi ba pwedeng pagbigyan kahit ngayon lang? one is enough two is too much. too much pain!
nung time na hindi ako nakapasa sa retention para akong nacoma. hindi ako makapagisip, makakilos ng maayos. para akong natrauma. masakit dahil hindi ko natupad ang expectations ng mga tao sa akin, masakit dahil kinaya naman nung iba bakit ako hindi, at higit sa lahat masakit dahil nagpuyat ako at nageffort kahit na nga gusto ng bumugay ng katawan ko. isipin mo na lang. sa pangalawang pagkakataon mararamdaman mo ulit ito ng doble pa dahil mas marami ka ng ginawa sa pagkakatong ito.
pagkatapos ng masayang kwentuhan nanlumo ang buong pagkatao ko. DAHIL ALAM KO ANG NARARAMDAMAN NILA. at kahit na itinatago pa nila alam kong hindi sila okay. imposibleng walang epekto sa kanila ang nagyari.
KUNG KELAN NAMAN MAS GUSTO KO PA SILANG MAKASAMA...
WHY SO CRUEL, FATE? :(