Tuesday, 5 April 2011

The Silent Shinobi

"She's the silent shinobi... the one who will sit at a corner and watch everyone."

"Silent Shinobi"... Kahapon ko lang nalaman dahil sa isang bagong kaibigan na ito pala ang turing sa akin ng mga nakakakilala sa akin sa Japanese Anime Room 1 o JA1. Hindi daw kasi ako masyadong nakikipag-usap. Hindi man lang daw ako nagha-"hi". Mas pinipili ko pa raw na manood na lang sa kanila kaysa sa i-share ang thoughts ko na totoo naman at hindi ko ikinakaila. 

Kahit noong mga unang araw ko sa JA1 ganoon na talaga ako. Kakaunti lang ang mga kinakausap ko. Si Lian, si Sai na lil bro ko, si Quin na hindi ko masyadong close na madali naman ding iapproach. 

Observer lang talaga ako sa JA1. Titingin sa usapan nila, tatawang mag-isa. Haha. Hindi ko rin kasi alam kung paano makikihalubilo. To know pa na hindi kami pareho ng kulturang kinasanayan. Kaya nanahimik ako. Kahit na pilit ng pilit yung mga kakilala ko na magsalita ako.

Kaya eto nga at binansagan nila akong "Silent Shinobi".

Sabi pa nga ni Kuya Ash kahapon "I'ts a shower from heaven that you talk".

Sa ngayon happy naman ako kasi dumadami ang mga kakilala ko. Napapractice ko rin ang english ko kapag kausap ko sila. Dugo nga lang ang ilong ko. Haha. xD

6 comments:

  1. .. akalain mo un xD .. haha .. kung alam lang nila kung gaano ako kaingay .. xD

    ReplyDelete
  2. .. ==' nyaks! imposible ella .. karamihan sa kanila hindi Pilipino .. >.< kaya nga pagkausap sila kelangan english pa ..

    ReplyDelete
  3. its a shower from heaven nga. haha. tahimik ka nmn tlga e. :D

    ReplyDelete
  4. waw! sa wakas tinanggap mo ng tahimik ako katulad ni ella.

    haha xD

    anong nakain mo?? xD

    ReplyDelete