alam mo yung feeling na...
hindi mo pa naman talaga lubos na nakikilala at nakakasama ang isang tao yet yung respeto at paghanga mo sa kanya eh overwhelming na? at ngayon na magpapaalam na sya eh parang gusto mong maiyak sa tuwa na nakilala mo sya and at the same time sa lungkot na hindi mo sya nagawang makabonding man lang na parang namiss mo yung chance na mameet ang isang kahangahangang nilalang. (oyeah! what a term!)
nung first time ko talagang makita si kaichou super amazed na talaga ako sa kanya for establishing my dream organization. akalain mo may naglakas ng loob? merong handang magsacrifice ng time and effort at magdedicate ng sarili para sa isang bagay na hindi mo naman sigurado kung irerecognized ng mga tao. nganga talaga ako sa kanya simula pa lang.
then nung nameet ko sya personally, although saglit nya lang naman kami nakausap nung kasama ko, ang light talaga nung feeling na parang gusto kong umiak dahil at last! eto na yun eh! makakasali na ako sa org na gusto ko at nakilala ko pa itong taong ito na nagcreate ng isang mundo sa loob ng campus namin kung saan magiging malaya ang mga anime lovers na iexpress ang kanilang sarili.
kaya lang after nung first encounter hindi na ulit yun nasundan. hindi na rin kasi ako nakakaattend ng meeting ng org. ang dami ko talagang namiss na chance. mas pinraoritize ko rin kasi ang studies ko lalo na ngayon na mas matindi na ang hinihinging time ng mga subjects namin.
pero ang strange everytime kasi ng hindi ako nakakaattend sa mga meeting lagin kong nakikita si kaichou. lagi rin tuloy akong nagtatago kasi nahihiya ako dahil once lang akong nagpakita sa org. parang ang dating eh hindi ko sineseryoso which is not true kasi kahit hindi ako active i make sure na updated pa rin ako sa mga nangyayari, sa mga events, sa mga get together nila. mahal ko talaga yung org na yun. hindi ko nga lang maipakita.
sayang...
pero inspite of the fact na hindi ako active, everytime na makikita kong nilike ni kaichou ang posts ko sa group, ung ibang status ko... feeling ko pwedeng pwede pa rin talaga akong bumalik sa kuroneko... feeling ko tatanggapin pa rin nila ako. yun nga lang i'm too scared to join them dahil pinangungunahan ako ng kaba na baka ma-out of place ako dahil nga newbie. what do you expect from a pessimist??
at ngayon nga gagraduate na si kaichou...
so bye bye na sya sa org...
parang hindi ko nga maimagine na wala na ang pillar ng kuro. ang hirap isipin.
kaya kayang magstand ng org without him? kung makapagsalita ako akala mo kung sinong magaling na member eh no?
pero..
mamimiss ko talaga si kaichou...
mamimiss ko ang instructions ni kaichou...
mamimiss ko sya even though hindi ko pa talaga sya nakakabonding...
bakit ba kasi kailangan pa ng farewells?
hindi ba pwedeng puro hello na lang??
hindi ko to lahat masasabi sa kanya ng personal...
hindi ko rin to maipopost sa wall nya...
hindi ko to maimemessage sa kanya...
kaya allow me to post it here...
para kahit papaano maexpress ko naman ang gratitude ko sa kanya for creating kuroneko and for his support for all otakus in LPU-Cav...
SALAMAT KUYA LENIEL!!! ^^
Awww. </3
ReplyDeleteSino yun Jom? Para ibigay ko sa kanya tong link ng blog mo. Hehe.
Ikaw na maglead sa organization na yun! Yakang-yaka! :)
hahahaha xDD sshhh. secret nga lang to eh. ibubulgar mo naman.
ReplyDeletehindi ko carry un jana. walang mararating ang org pag ako naglead xD
Nagiging pessimistic ka naman. Ano ka, malayo ang mararating! Hanggang Neptune. Hehe.
Delete