Wednesday, 2 March 2011

Ouch

Oo.
OA.
Wala kasi akong ibang masabi.
Hindi ko alam kung anong salita.
Hindi ko alam kung paano sasabihin.
Nanginginig ang kamay ko.
At hindi ko rin alam kung bakit.
Ang hirap huminga.
Ang hirap ipiilit na wala akong nabasa at nakita.
Ang sakit.
Ikaw pa naman ang sa lahat ng kaibigan ko.
Ang isa sa mga pinagkakatiwalaan ko.
Kahit na... hindi dapat.
Bakit ka ganyan?
Ganito mo ba talaga gustong paglaruan ang mga tao sa paligid mo?
Sa lahat ng nakagawa ng pagkakamali sa akin.
Ikaw ang paulit-ulit kong pinatawad.
Kasi...


Tama.
Baka ako nga ang nagkamali.
Sino nga ba naman ang dapat magtiwala sayo.
Hindi talaga kita kilala.
First Impression?
Di dapat ako nagtiwala dun.
Hindi dapat ako naniwala at nagtiwala sayo.
Dapat noon pa lang nakinig na ako sa isang bahagi ng utak ko.
Mali siguro na nagbigay pa ako ng 2nd at 3rd chance.

Ouch!
Noon ang saya-saya ko ng makakilala ako ng bagong kaibigan.
Ngayon.
Pinagsisisihan kong nakilala kita.
Iniisip ko tuloy.
Iyon kayang ibang taong pinakilala mo sa akin ganun din?

Dapat pa nga ba akong magtiwala?
Parating ganito di pa ako natuto.
Ayoko naman kasing isara ang puso ko para sa ibang tao.

Kung ano man ang plano ni God.
Bahala na.
Kaya ko 'to.
Im strong!
I believe so.

4 comments:

  1. babalik ko lang ang tanong sayo..

    sino naman yan??? :P

    ReplyDelete
  2. hindi nyo din naman po kilala.

    kaya di ko na lang po sasabihin.

    ^_^

    ReplyDelete
  3. ahh.. edi dapat mas lalo mong sabihin.. di ko naman pala kilala e.. :D

    ReplyDelete
  4. ==' nyaks >.< wag na po. basta isang malayong kaibigan lang. hehe

    ReplyDelete